Quintessential...

Ano ba magandang i-download na kanta???

blogserye2013:


Aminin man natin o hindi, lumaki tayo na naniniwalang ang LOVE ay walang kinikilalang mukha, kasarian, kulay, katayuan at kung ano pang bullshit yan. Ang LOVE daw ay makapangyarihan na basta totoo ito ay mananaig ito sa lahat. Na lahat tayo ay may happy ending at may nakalaang tao para sa…

May episode 8 na!!
THE RAINBOW CONNECTION
blogserye presents…
something to read every week?
how about a new habit? meet green, ram, david and edgar! :)
May bagong episode every Saturday.
Episode 9 na this Saturday
Samahan sina David, Ram, Edgar at Green sa kuwento nila…
Try mo lang…malay mo ma-hook ka.
www.blogserye2013.blogspot.com
Spread the word!

May episode 7 na!
THE RAINBOW CONNECTION
blogserye presents…
something to read every week?
how about a new habit? meet green, ram, david and edgar! :)
May bagong episode every Saturday.
Episode 8 na this Saturday
Samahan sina David, Ram, Edgar at Green sa kuwento nila…
Try mo lang…malay mo ma-hook ka.
www.blogserye2013.blogspot.com
Spread the word!

Ask me my “TOP 5” anything!
Itlog…

Tuwing EASTER SUNDAY, nagkakaroon ng tradisyon kung saan hinahanap ang mga itlog na nakatago upang magkaroon ng premyo o kung anu pa man….

Hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang kuwento ng aking itlog…


Nakakamangha ang mga itlog. Isa siyang bagay na nagpapamalas ng isang hiwaga. Ang putting ballot sa labas na tinatawag ding “shell” sa ingles ay ang matigas nitong parte na nagpoprotekta sa loob nito. Matigas ito. Sinadya sigurong ganoon upang hindi masira ang napakalamabot nitong loob. Pero hindi rin naman siyang sobrang matigas na hindi mo na mabubuksan. Tama lang. Tamang-tama lang. Ang loob naman ay naglalaman ng malapot na likido kung saan ito ang ginagamit nating pagkain…sa madaling salita, nakakatulong ito sa atin at nagbibigay sustansiya.

Pero paano natin nalaman na ganito ang itlog? Nalaman natin ito dahil minsan sa ating buhay ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na magbukas nito at makita para sa ating sarili ang tunay nitong hiwaga.

Nakakatuwa ang itlog ano? Para siyang tao. Matigas sa labas. Punong-puno ng maskara at proteksiyon upang iligtas mula sa sakit ang malambot nitong loob. At lahat din naman ng tao, parang itlog, kung makakapagsalita lang sila, ay nag-aasam ding mabuksan, mabasag upang maipakita nila ang tunay na sila sa lahat.

Kaya minsan, naisipan kong ibigay ang itlog ko sa isang tao. Aaminin ko sa aking sarili na hindi pa ako masyadong handa nung mga panahong iyon. Ngunit nilabanan ko ang takot at ibinigay ito sa kanya. Noong una ay inakala kong nagustuhan niya at darating ang panahon na bubuksan niya ang itlog upang kilalanin pa ng mas mabuti…pero hindi. Binasag niya ito sa harapan ko at tinapakan.

Pero hindi ako sumuko. Nagbigay muli ako ng itlog sa isa na naman. Masaya naman kami. Magkalapit ang aming loob. Hanggang sa bubuksan na niya ang itlog. Pagbukas ng itlog ay bugok pala. Kahit gustuhin ay hindi maari. Malungkot pero tanggap ko.

Tumigil ako sumandali. Bigla na akong natakot. Ilang pang itlog ang masasayang. Ilan pa ang mawawasak at masisira para makamit ko ang gusto ko.

Pero dumating siya. Nagsimula ang lahat ng iba. Ibinigay ko sa kanya ang itlog at nangako naman siyang iingatan iyon hanggang sa takdang panahon na maari na itong buksan. Naghintay naman ako. Mahirap maghintay pero ginawa ko dahil hawak ko ang pangako niyang “siya na nga”.

Pero katulad ng iba, wala pa rin pala. Nakita ko na lang ang itlog na nasa basurahan na. Oo, nagbukas nga siya ng itlog…pero hindi ang sa akin. Ipinagpalit niya ang itlog ko para sa ibang itlog na mas nais niyang buksan at kilalanin.

Matapos ang lahat, madaling sabihin na dapat ng sumuko at tumigil. Pero kung hindi ibibigay, masisira lang ito sa akin. At naniniwala akong hindi dapat pinipigilan ang mga bagay kung alam mo naming makakatulong ito sa iba…magbibigay ligaya, pagmamahal…etc.

Hanggang sa may dumating pang isa. Mabait siya. Palangiti at palatawa. Misteryoso rin siya na kahit mag-usap kayo buong araw ay pagkatapos noon…marami pa ring matitirang katanungan tungkol sa kanyang pagkatao. Pero gusto ko siyang kilalanin. Gusto ko dahil pinapasaya niya ako. Gusto ko dahil binubuhay niya ako. Kaya gusto kong ibigay ang itlog sa kanya…at umaasang bubuksan niya ito at kikilalanin…mamahalin.

Dahil ako, kahit sa sandaling panahon pa lamang…handa na akong kunin ang itlog niya, buksan at kilalanin at gawing parte ng buhay ko.

Pero hindi. Binigay ko ang itlog. Pinilit kong buksan niya…pero wala. Naniniwala siyang, hindi kailangang kunin ang itlog at buksan upang maging bahagi siya ng buhay ko.

Pang-apat na to. Ilan pa ang masasayang?

Pero siguro…siguro hindi pa dito nagtatapos ang lahat…

HAPPY EASTER!

Sa mga naghahanap ng itlog…sana mahanap niyo ang hinahanap niyo.

At sa mga natatakot tumayo at maghanap…hindi gugulong ang itlog sa harapan niyo ng basta lang. At kung may gumulong na ng kusa sa harap niyo…kunin niyo na.

The best of romances…deserve second chances. - If Ever You’re In My Arms Again, Peabo Bryson

Nasa taxi ako kanina nang may tumutugtog na pasweet na song…

Naalala ko ang mga summer vacation ko nung nasa school pa ako.
‘Yung may maririnig din akong pasweet song tapos maaalala ko ‘yung crush ko.
Mamimiss ko siya bigla tapos maaatat na ako magpasukan ulit…
Para makita ko na ulit siya at makasama.

Ngayong nagtatrabaho na ako… Wala na akong 2 buwan na summer vacation.

Wala na rin akong crush na naaatat ako makita.

Haaayyy…
Paano na nga ba magkacrush?
Paano na nga ba mainLove?

May episode 6 na!
THE RAINBOW CONNECTION
blogserye presents…
something to read every week?
how about a new habit? meet green, ram, david and edgar! :)
May bagong episode every Saturday.
Episode 7 na this Saturday
Samahan sina David, Ram, Edgar at Green sa kuwento nila…
Try mo lang…malay mo ma-hook ka.
www.blogserye2013.blogspot.com
Spread the word!

I hate myself for saying this but…it felt really sad, not to have a man in my life who cares about me.
Carrie Bradshaw (via whatwouldcarriesay)